Mayorya ng mga Pilipino ang mas gustong gumamit ng Facebook para makipag-usap.
Batay ito sa survey na isinagawa ng international mobile top-up service provider na Ding Global na may 7,000 respondents mula Europe, Asia, at Amerika.
Sa datos ng Ding Global Prepaid Index (GPI), 88% ng Pinoy ay Facebook ang piniling paraan ng komunikasyon na sinundan ng SMS o text message sa 53% habang 28% ang may nais ang tawag sa cellphone o voice calls.
Paliwanag ni Ding Chief Commercial Officer Rupert Shaw, nasasalamin sa kanilang datos ang social culture ng Pilipinas, na nais na makakonekta sa mga mahal sa buhay.
Facebook Comments