Mayorya ng Pilipino, umaasang matatapos na ang COVID crisis ngayong taon

Aabot sa 51 percent ng mga Pilipino ang umaasang matatapos na ngayong 2022 ang COVID-19 crisis.

Batay ito sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa survey noong Disyembre 12 hanggang 16, 2021 sa may 1,440 adults respondent.

Nasa 45 porsiyento naman ang nagsabing magtatapos ang pandemya sa susunod na taon pa.


Lumabas din sa survey na 51 percent ng mga Pinoy ang umayon sa mandatong pagbabakuna habang 35 ang nag-disagreed at 14 percent ang undecided.

Sinang-ayunan din ng 51 percent ng mga Pinoy ang pagsasailalim sa RT-PCR test ng mga manggagawang hindi pa bakunado tuwing ikalawang linggo habang 35 ang nag-disagreed at 14 percent ang undecided.

Sa no dine-in policy naman para sa unvaccinated customers, 49 percent ang sumang-ayon dito; 36 percent ang nag-disagreed at 14 percent ang undecided.

Facebook Comments