McDonald’s Philippines, dumistansiya sa ‘Jollitowel’ controversy

144

Itinanggi ng McDonald’s Philippines ang pagkakadawit nila sa kontrobersiyang “fried towel” ng Jollibee.

Sa inilabas na pahayag ni McDonald’s Philippines PR and Communications Senior Manager Adi Timbol-Hernandez, nilinaw nito na wala silang inilabas na mapanirang ulat sa anumang brand matapos mag-viral ang Facebook post ng isang netizen.


Nangako naman ang pamunuan nito na hindi sila gagawa ng ikakasira ng katapat na fast food chain.

Sa ngayon, burado na ang post ni Alique Perez sa Facebook kung saan una na ring humingi ng paumanhin ang Jollibee Foods Corporation ukol dito.

Facebook Comments