McGregor at Nurmagomedov, pinagmulta ng Nevada State Athletic Commission

Pinagmulta at sinuspindi ang Mixed Martial Arts (MMA) Fighters na sina Conor McGregor at Khabib Nurmagomedov bilang parusahan sa kanilang rambulan sa UFC 229 noong Oktubre 2018 sa Las Vegas.
Inilabas ng Nevada State Athletic Commission ang desisyon kung saan anim na buwan suspendido si McGregor at magbabayad ng $50,000 (P2.6 million) na multa.
Habang si Nurmagomedov naman ay maba-ban sa loob ng siyam na buwan at pinagmulta ng $500,000 (P26 million).
Nabatid na kukunin ang multa ni Khabib mula sa kanyang $2-million prize money na naka-hold ngayon sa commission.

Facebook Comments