Jodi Sta. Maria, thankful and happy matapos ma-qualify bilang Dean’s Lister

Thankful ngayon ang aktres na si Jodi Sta. Maria matapos muling makatanggap ng panibagong parangal sa pinapasukan nitong kolehiyo.

Nabatid kasi na na-qualify ang aktres bilang dean’s lister dahil sa grade point average nito na 3.818 kung saan kumukuha siya ng Bachelor of Science in Psychology sa Southville International School and Colleges.

Sa naging interview naman kay Jodi, pinayuhan niya ang mga kapwa estudyante na ipagpatuloy ang pagse-set ng goals at pagkamit sa kanilang mga pangarap.


Say pa ng aktres, maging inspirasyon din daw sana siya sa mga kapwa niya artista na may mga plano din ipagpatuloy ang pag-aaral kahit pa busy sila sa kani-kanilang trabaho.

Facebook Comments