MCNP at ISAP, kauna-unahang paaralan sa Pilipinas na nag-avail ng ACADEME program ng Landbank

Kauna-unahan sa bansa ang Medical Colleges of Northern Philippines, Inc. (MCNP) at ang International School of Asia and Pacific, Inc. (ISAP) sa pangunguna ni OIC President Christian Einstein Guzman sa nag-avail ng Access to Academic Development to Empower the Masses Towards Endless Opportunities (ACADEME) ng Landbank of the Philippines (Landbank).

Ang programang ACADEME ang tutulong sa mga estudyante sa bansa sa usaping pinansiyal bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Kasamang lumagda ni President Guzman ng 10 milyong pisong term loan rediscounting line si Landbank Cagayan Lending Center Assistant Vice President Victor Agorto, Landbank Account Officer Antonio Cepeda Jr. at MCNP-ISAP Scholarship Coordinator Beverly Cannu.


Sa ngayon ay mayroon nang 260 milyong pisong loan agreements ang naaprubahan ng Landbank sa ilalim ng nasabing programa kung saan aabot na sa 80 pribadong educational institution ang nagbigay ng interes.

Nabatid na una nang nagbigay alokasyon ang Landbank na aabot sa 3 bilyong piso para sa programang ACADEME na sinimulan nitong Mayo para sa lahat ng mga kwalipikadong estudyante.

Facebook Comments