PBA, ipinag-utos ang pagpapalawig sa kontrata ng mga players na malapit nang ma-expire

36

Bibigyang opsyon ng Philippine Basketball Association (PBA) ang bawat koponan na palawigin pa hanggang December 31, 2020 ang kontrata ng kanilang mga manlalaro na malapit nang mag-expire.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nag-desisyon na ang mga governors ng PBA na i-extend ang kontrata ng mga manlalaro.


Pero depende pa aniya ito sa desisyon ng koponan dahil kapag hindi pinalawig ang kontrata ay magiging free agent ang mga manlalarong ito.

Ilan sa mga player na ma-eexpire na ang kontrata ay sina San Miguel stalwarts Arwind Santos at Alex Cabanot na pawang hanggang August 31, 2020 na lang.

Facebook Comments