MDRMC BURGOS, NAGSAGAWA NG PRE-DISASTER RISK ASSESSMENT

Cauayan City — Bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang epekto ng Bagyong “Crising,” pinangunahan ng Burgos Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), ang isang Pre-Disaster Risk Assessment (DRA) meeting.

Sa pulong, tinalakay ang mga estratehiya para sa emergency response ng bayan, kabilang ang prepositioning ng relief goods, paghahanda ng evacuation centers, at mahigpit na koordinasyon sa mga barangay.

Isa sa mga pangunahing hakbang ay ang agarang deployment ng MDRRMO personnel sa mga kritikal na tulay sa bayan ng Burgos partikular ang Bayabo-Raniag Bridge, Masigun Bridge, at Burgos-Quirino Bridge upang magsagawa ng pagbabantay at monitoring sa lebel ng tubig.

Layunin ng aktibidad na tiyaking ligtas at handa ang bawat mamamayan, lalo na sa mga lugar na posibleng bahain o maapektuhan ng pagtaas ng tubig.

Patuloy ring hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang kooperasyon ng publiko at pagbabantay sa opisyal na abiso ukol sa lagay ng panahon.

Facebook Comments