Matapos ang magnitude 5.0 na lindol na tumama sa karagatan ng Currimao, Ilocos Norte, agad na nagsagawa ang MDRRMO ng Currimao ng roving at monitoring operations upang masukat ang pinsala at mapagtuunan ng pansin ang seguridad ng mga residente.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol na naitala bandang 9:45 ng umaga kahapon ay may lalim na 10 kilometers at tectonic ang pinagmulan nito.
Samantala, Intensity I naman ang narehistro sa Laoag City at San Nicolas sa Ilocos Norte, pati na rin sa Sinait, Ilocos Sur.
Sa pahayag ng lokal na pamahalaan, walang inaasahang malaking pinsala mula sa pagyanig, ngunit binigyan ng babala ang publiko na manatiling alerto dahil sa posibilidad ng aftershocks.
Dagdag pa rito, hindi rin nagtaas ng tsunami alert ang PHIVOLCS matapos ang lindol.
Sinabi rin ng MDRRMO Currimao na pinuntahan nila ang iba’t ibang barangay sa baybayin upang direktang matulungan ang mga residente at tiyaking handa sa anumang epekto ng sumunod na pagyanig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









