MDRRMO DINAPIGUE, NAGSAGAWA NG PULONG KAUGNAY KAY BAGYONG CRISING

Cauayan City – Bilang paghahanda sa banta ng Tropical Depression “Crising,” nagsagawa ng koordinasyon at pagpupulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Dinapigue, Isabela.

Pinangunahan ni Mr. Ronald Pacleb ang naturang pagpupulong kasama si Municipal Mayor Hon. Vicente D. Mendoza.

Dumalo rin si Police Captain Joshua C. Furigay, Officer-In-Charge ng Dinapigue Municipal Police Station, bilang suporta sa aktibidad.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga kinakailangang hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa nalalapit na masamang panahon.

Isa sa mga pangunahing layunin ng pagpupulong ang agarang aktibasyon ng Municipal Emergency Operations Center (EOC).

Inihanda ang mga protocol sa disaster preparedness, kabilang na ang early warning systems, evacuation plans, at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa publiko na maging alerto at sumunod sa mga abiso ng awtoridad.

Facebook Comments