MDRRMO, tumutulong na sa paghahanap sa mga Filipino crew ng Liberty 5 na binangga ng Hong Kong vessel sa karagatan ng Occidental Mindoro

120

Tumutulong na rin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Mamburao, Occidental Mindoro sa paghahanap sa 14 na nawawalang tripulante ng fishing vessel na Liberty 5.


Tiniyak naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi sila titigil sa paghahanap sa mga nawawalang tripulante.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, patuloy ang search and rescue operations ng kanilang dalawang barko at dalawang islander plane na ipinadala sa lugar para tumulong sa paghahanap, maliban pa ito sa kanilang mga floating assets.

Sa ginawang aerial inspection ng PCG sa lugar kung saan nangyari ang trahedya tanging mga debris na lamang ang kanilang nakita at tuluyan na itong lumubog.

Nangyari ang insidente kahapon ng umaga kung saan nagkabanggaan ang Liberty 5 at Hong Kong cargo vessel na MV Vienna Wood.

Facebook Comments