
Nagpapatuloy ang Meals on Wheels Program sa San Carlos City matapos magtungo ang truck na namamahagi ng mga pagkain sa Barangay Tarece bilang bahagi ng isinasagawang Community Feeding Program ng lokal na pamahalaan noong ika-6 ng Pebrero.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng City Nutrition Council bilang bahagi ng mga hakbang upang matulungan ang mga mamamayan, partikular ang mga sektor na nangangailangan ng dagdag na suporta sa nutrisyon.
Bukod sa pamamahagi ng masustansyang pagkain, layunin din ng programa na palawakin ang kaalaman ng komunidad tungkol sa kahalagahan ng tamang nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan.
Patuloy naman ang lokal na pamahalaan at City Nutrition Council sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kalusugan at nutrisyon ng mga residente ng San Carlos City, kasabay ng paalala na ang wastong pagkain ay mahalagang puhunan para sa maayos na pamumuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










