MEASLES OUTBREAK | DOH, iniimbestigahan na ang hinihinalang outbreak sa probinsya ng Sarangani

Sarangani – Nagtungo na ang mga doctor at nurse mula sa municipal, provincial, at regional offices ng DOH, sa brgy Upper Suyan sa Malapatan, Sarangani upang imbestigahan ang pinaniniwalang measles outbreak sa lugar.

Base sa pinakahuling datos na natanggap ng DOH, nasa 84 na pasyente na ang apektado ng naturang sakit habang nasa 18 kaso na ng kamatayan ang kanilang naitala.

Naipadala na sa Research Institute for Tropical Medicine ang mga serum specimen mula sa mga pasyente para sa confirmatory test.


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ay ang pagbabakuna sa 49 na bata sa lugar na nasa edad 6 na buwan hanggang 12 taong gulang na may tigdas.

Payo sa kalihim, sa oras na makitaan ng sintomas ng tigdas ang isang indibidwal tulad ng sipon, ubo, lagnat, pamumula ng mata, sore throat at rashes sa katawan, makabubuting ipatingin na agad ito sa doktor.

Facebook Comments