MEASLES OUTBREAK | Higit 5 libong kaso ng tigdas, naitala ng DOH

Manila, Philippines – Bunsod ng pagtanggi ng mga magulang na pabakunahan ng kanilang mga anak, pumalo na sa 5, 450 ang kaso ng tigdas sa buong bansa ang naitala ng Department of Health (DOH), simula Enero hanggang ngayong buwan ng Abril.

Sa bilang na ito, 13 ang naitalang nasawi dahil hindi nabakunahan kontra tigdas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nagsimula ang pagkakaroon ng measles outbreak noong huling quarter ng 2017, bunsod ng issue kinasangkutan ng Dengvaxia vaccine.


Dahil dito muling umaapela si Duque, sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Aniya, makasisiguro ang mga magulang na ligtas ang measles vaccine dahil ginagamit na ito ng DOH simula pa noong taong 1970.

Kaugnay nito, ngayong umaga rin, opisyal na inilungsad ng DOH dito sa Metro Manila ang kanilang Ligtas Tigdas Campaign, na naglalayong ipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Facebook Comments