Measles outbreak sa ilang lugar sa bansa, posibleng tumagal pa

Manila, Philippines – Inaasahang tatagal pa hanggang Marso ang measles outbreak sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, sa ngayong ay hindi pa nila maidedeklarang “under control” ang measles outbreak lalo at ito ang panahon na kanilang target para mabakunahan ang lahat ng batang hindi pa nababakunahan kontra tigdas, mumps o beke at rubella o german measles.

Kahapon, nagpulong na sina Health Secretary Francisco Duque at Education Secretary Leonor Briones para sa mandatory vaccination ng mga estudyante.


Bagaman sinabi ni Duque na makatutulong ang mandatory vaccination para sa herd immunity, sinabi ni Briones na kailangan muna nitong dumaan sa masusing pag-aaral.

Maliban sa DepEd, nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa PNP at AFP para sa seguridad ng health workers at bakunang dadalhin sa mga malalayong lugar.

Ang tigdas ay nakahahawang sakit na dala ng measles virus.

Ilan sa mga sintomas nito ay lagnat, ubo at sipon, namumulang mga mata, at namumulang mga butlig sa katawan ayon sa DOH.

Maaaring magdulot ng mga komplikasyong pagtatae, pulmonya, at kamatayan ang naturang sakit, dagdag ng DOH.

Facebook Comments