Meat processing plant sa Bagong Ilog, Pasig, ipinasara ni Mayor Vico Sotto dahil sa kawalan ng Sewerage Treatment Plant

152

Agarang ipinag-utos ni Pasig Mayor Vico Sotto ang pagsasara ng isang meat processing plant sa Bagong Ilog, Pasig.

Dismayado si Sotto sa isinagawang surprise inspection sa Razons of Guagua, kung saan napag-alaman ng alklade na matagal nang nag o-operate ang establisyemento nang walang kaukulang Sewerage Treatment Plant o STP.


Paliwanag ni Sotto, ikinirita ng alkalde sa kanyang nadatnan lalo pa’t naabutan niyang nagkalat ang dugo ng mga baboy sa sahig.

Dagdag pa ng alkalde, ang waste water ng establisyemento ay napupunta sa drainage system na dumideretso naman sa ilog.

Sa ngayon, nagsiuwian na ang mga empleyado ng meat processing plant.

Facebook Comments

From Advertisers