Meat Van ng LGU Baggao, Sumalpok sa Barrier

17

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang drayber at pahinante ng isang meat van ng LGU Baggao matapos bumangga sa concrete barrier sa Sitio Assao, Bitag Grande, Baggao, Cagayan.

Ayon sa drayber ng sasakyan na kinilalang si Vincent Marcelo, 49 taong gulang, may-asawa, residente ng Bitag Grande ng Baggao, naidlip aniya ito habang nagmamaneho kaya’t sumalpok ang sasakyan sa concrete barrier ng tulay at tumagilid sa kalsada.


Nagtamo naman ng minor injury ang pahinante nito na kinilalang si Marcial Mejia.

Nangyari ang aksidente bandang alas sais ngayong umaga, Enero 31, 2021 habang pabalik ang drayber sa bayan ng San Jose pagkatapos makapag-deliver sa Poblacion.

Nakatakdang ilipat ngayong araw sa isang ospital sa Tuguegarao City ang drayber ng sasakyan para sa gamutan.

Facebook Comments