Mga hotel na ginagamit na quarantine facilities sa Quezon City, pinulong ng LGU

85

Pinulong na ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ang mga kinatawan ng 25 na hotel sa lungsod na ginagamit bilang quarantine facilities ng mga returning residents o mga taga-lungsod na galing sa ibang bansa.

Sa nasabing pulong, itinuro sa mga hotel representatives ang tamang panuntunan sa pagre-report at pagmo-monitor sa mga naka-quarantine na guest gayundin ang nararapat na pagsunod sa health protocols ng mga empleyado.


Ginawa ng QC government ang hakbang para mas paigtingin pa ang Disease Surveillance System sa lungsod.

Ito ay bahagi ng pag-iingat na ginagawa ng LGU para hindi na muling makapasok ang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments