Sa paggunita ng Semana Santa, marami sa mga Pilipino ang sumusunod sa tradisyon nang pag-aayuno, partikular na tuwing Biyernes Santo.
Dahil dito, patok na patok muli ang iba’t ibang meatless ideas na swak sa panlasa at bulsa ng bawat pamilya. Pero ano nga ba ang mga putaheng maaaring ihanda o iluto ngayong linggo?
Para sa alternatibong putahe na walang karne, maaaring subukan ang laing , ginataang langka, tokwa’t gulay, sinigang na hipon at rellenong bangus.
Isa sa maaaring ihanda ngayon na patok para sa lahat kasama na ang mga tsikiting ay ang plant-based kare-kare na ginagamitan ng talong, puso ng saging, at peanut butter sauce, na tunay namang tinatangkilik ng mga vegetarian at health-conscious.
Kailangan lamang igisa ang puso ng saging, talong at sitaw. Ilagay ang tinunaw na kare-kare mix. Hayaang kumulo hanggang sa lumapot at maluto ang gulay. Idagdag ang pechay at pakuluan ng isang minuto at maaari na itong i-serve sa iyong pamilya.
Ang ganitong pag-iwas sa karne ay hindi lang simpleng tradisyon, kundi isang uri ng sakripisyo at pagninilay ngayong banal na panahon.
Para makatipid, magplano ng menu para sa buong linggo at mamili sa mga lokal na palengke.Bukod sa sariwa, mas mura rin ang mga gulay at isda doon kumpara sa mga grocery store.
Sa panahong ito ng pagninilay at pananampalataya, napatutunayan muli na kahit walang karne, masarap at makahulugan pa rin ang bawat handa sa hapag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨