Pinay Ofw Sa Kuwait – Nakatakdang Bitayin, Bukas….Pamilya Nito – Nanawagan Ng Tulong Sa Duterte Administration Upang Mai

15

MANILA – Kinumpirma ni kasamang Susan “Toots”Ople ng blas ople policy center and training institute na nakatakdang pagbitay, bukas sa isang pinay OFW sa Kuwait.Sa interview ng RMN kay Toots – sinabi nito na nakausap niya si Philippine Air Force Lt. Col. Garry Pawa kaninang umaga at kinumpirma ang pagbitay sa kapatid nito na si Jakatia, 42-anyos, isang domestic helper.Hinatulan noong 2008 si Jakatia matapos patayin umano nito ang 22-anyos anak ng kanyang amo.Naniniwala ang pamilya ng pinay na na-frame up lamang si Jakatia sa pagpatay ng kanyang mismong among babae sa anak na nahuli noong nakikipagtali sa kanyang boyfriend.Nabatid na isang malaking eskandalo sa mga arabo ang pakikipagtalik sa kasintahan lalot nabibilang ito sa mayamang pamilya.Naniniwala naman si Ople na inosente at pinagbintangan lamang si Jakatia lalo na’t wala silang alitan ng amo nito.Nabatid na ayaw makipag-usap ng pamilya ng biktima at hindi sila interesado sa blood money.Panawagan ngayon ng OFW rights advocate sa pamahalaan, na magpadala ng high-level emissary si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments