MECO, hiniling na rin sa Taiwanese government na isama ang Pinoy workers sa Taiwan sa prayoridad ng pagbabakuna

Hiniling na rin ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa pamahalaan ng Taiwan na isama na rin sa pagbabakuna ang mga manggagawang Pilipino doon.

Ito ay sa harap ng pagsasailalim ngayon sa isolation ng halos 500 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa isang pabrika sa Taiwan dahil sa local transmission ng COVID-19.

Kasunod ito ng malawakang infection sa nasabing pabrika kung saan 7,000 ang kabuuang bilang ng factory workers.


Sa nasabing bilang, 1,700 ang kabuuang OFWs doon.

Ayon kay Gilberto Lauengco, Deputy Resident Representative ng MECO, nagpadala na siya ng note verbale sa Taiwanese government para hilingin na isama sa prayoridad ng mga mababakunahan ang Filipino workers doon.

Kabilang na rito ang Pinoy factory workers at caregivers.

Facebook Comments