MECO, nakipag-ugnayan na sa Taiwan police para sa mga Pinoy na biktima ng panggigipit ng mga otoridad sa Taiwan

Hinimok ng MECO o Manila Economic and Cultural Office ang mga Pilipino sa Taiwan na biktima ng panggigipit ng ilang pulis doon na makipag-ugnayan sa kanila.

Ayon kay MECO Resident Representative Gilberto Lauengco, nagtalaga na ang Taiwan police ng isang tauhan nito para tumulong sa Pinoy workers na nabibiktima ng pangha-harass ng ilang pulis doon

Nangako aniya ang Taiwan police na sila mismo ang magsasampa ng kaso sa kasamahan nilang abusado.


Kinumpirma rin ni Lauengco na sinampahan na ng kasong administratibo ang isang pulis sa Taiwan na iligal na nag-aresto sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos mapaghinalang illegal worker.

Facebook Comments