MECQ sa Isang Barangay sa Alicia, Magtatagal Hanggang September 13

Cauayan City, Isabela- Magtatagal pa hanggang September 13, 2020 ang pagsailalim sa Calibrated lockdown sa Purok Rose Barangay Calocan sa bayan ng Alicia, Isabela.

Ito’y matapos maitala ang pang 30 na kaso ng positibo sa COVID-19 na si CV979 dahil sa local transimission at may pakikisalamuha sa ilan pang mga residente sa lugar.

Batay sa Local Executive Order No. 2020-022 na inilabas at nilagdaan ni Mayor Joel Alejandro, nagsimula ang pagsailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa naturang lugar noong September 6, 2020 sa oras ng alas 10:00 ng gabi.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Alejandro, bahagi ito ng precautionary measure ng lokal na pamahalaan upang hindi na lalong kumalat ang nakamamatay na virus.

Dahil dito, kontrolado muna ang galaw ng mga tao sa lugar, pansamantala munang ipinasara ang ilang establisyemento at naglatag na rin ng mahigpit na checkpoint sa nasabing purok.

Tiniyak naman ng alkalde na mabibigyan ng ayuda ang mga residente na naapektuhan ng lockdown.

Sa ngayon ay mayroon nang 30 na total cases ng COVID-19 ang Alicia at 13 rito ay mga active cases.

Facebook Comments