Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, ang MECQ ay extended sa NCR plus bubble hanggang May 14, 2021.
Ang Santiago City sa Isabela, Quirino at lalawigan ng Abra ay nasa ilalim din ng MECQ hanggang katapusan ng Mayo.
Ang mga sumusunod na lugar naman ay isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang May 31, 2021:
- Apayao
- Baguio City
- Benguet
- Ifugao
- Kalinga
- Mountain Province
- Cagayan
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Batangas
- Quezon Province
- Tacloban City
- Iligan City
- Davao City
- Lanao del Sur
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng modified GCQ hanggang katapusan ng Mayo.
Pagtutuunan din ng atensyon ng pamahalaan ang high-risk areas sa Luzon, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Ang quarantine classifications ay posibleng magbago depende sa apela ng mga lokal na pamahalaan.