Patuloy na dumadami ang bilang ng mga lumalabag sa pinalawig na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) sa harap na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula August 21 hanggang September 12, 2021, umabot na sa 289,653 ang MECQ violators sa NCR.
Sa bilang na ito, 174,361 ang mga nasita, 99,632 ang mga pinagmulta at 15,660 ang iba pang lumabag.
Samanta, kung ito-total naman sa buong bansa ang mga violators ay umabot na sa 1,450,919.
Samantala, nakapagtala ng 77,673 na lumabag sa curfew at 14,858 na lumabag na non-Authorize Person Outside Residence o non-APORs.
Facebook Comments