Medal of valor, hiniling na igawad sa mga sundalo at pulis na nasawi sa Marawi

Manila, Philippines – Pinagagawaran ni Quezon City Rep. Winston Castelo ng medal of valor ang mga sundalo at pulis na nasawi sa pakikipagbakbakan laban sa Maute Group sa Marawi City.

Sa resolusyong inihain ni Castelo ay binibigyang pugay ang mga sundalo at pulis na nagsakripisyo ng kanilang buhay para ipagtanggol ang seguridad ng bansa laban sa kamay ng mga terorista.

Katwiran ng mambabatas, hindi matatawaran ang pagkabayani ng mga ito dahil pinakamataas na antas na ng serbisyo ang ibinigay ng mga sundalo at pulis na nakipaglaban sa Marawi kaya dapat lamang silang bigyan ng posthumous medal of valor.


Ipinapanukala din ni Castelo ang pagtatatag ng economic and welfare program para sa mga dependents ng mga sundalo at pulis na namatay in line of duty.

Base sa panukala ng kongresista, ang programa ay pangangasiwaan ng DSWD ay para sa financial, medical, educational assistance para sa dependents ng mga otoridad na nagbubuwis ng buhay sa gitna ng pagtupad ng tungkulin.

Samantala, natanggap na ng Kamara ang liham mula sa Malacañang na nagsecertify as urgent sa tax reform package ng Duterte administration para agad na maaprubahan sa second reading at third and final reading hanggang sa Miyerkules.

Sa ilalim ng tax reform, ang mga sumasahod ng 250,000 kada taon ay malilibre na sa income tax pero magdadagdag naman ng excise tax sa mga produktong petrolyo, mga sasakyan, dagdag na vat sa cooperatives, sugar sweetened beverages at iba pa.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments