Media Fellowship sa AFP General Head Quarters, Kasalukuyan Ngayong Araw!

Cauayan City,Isabela – Kasalukuyan ngayong araw ang isinasagawang Media Fellowship sa Head Quarters ng Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ng Northern Luzon Command na si Lieutenant General Emanuel Salamat.

Ang imbitasyon sa grupo ng media na sakop ng Nothern Luzon Command ay sa pamamagitan ni Division Public Affairs Officer Army Captain Jefferson Somera ng 5th Infantry Division.

Layunin ng naturang media fellowship na makasalamuha at makilala ang lahat ng mamamahayag na sakop din ng Northern Luzon Command.


Kaninang umaga ay umikot muna ang grupo ng media sa Head Quarters upang makita ang naturang lugar at nagsadya rin sa Museum ng AFP.

Pormal na nag-umpisa ang media fellowship nagyong hapon at magtatapos ito hanggang alas onse mamayang gabi.

Facebook Comments