Wanted Person sa kasong Homicide, Nadakip Na!

*Ramon, Isabela* – Arestado ang isang traysikel drayber na wanted sa batas matapos magsagawa ng operasyon ang PNP Ramon sa Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela kahapon.

Kinilala ang nadakip na si Joel Angel, limampu’t dalawang taong gulang, traysikel drayber, may asawa at residente ng naturang lugar.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan mula sa PNP Ramon, dinakip ng kapulisan ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Anastacio Anghad ng Regional Trial Court Branch 36, Santiago City dahil sa kaso nitong Homicide.


Hawak na ng PNP Ramon ang suspek na mahaharap sa kanyang kasong Pagpatay.

Facebook Comments