Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Land Transportation Office na malaking tulong ang Media upang bumaba ang bilang ng mga motoristang nahuhuling lumalabag sa Anti Distracted Driving Act.
Ayon kay LTO Assistance Secretary Edgar Galvante isa sa mga dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa ADDA ay dahil na rin sa pagpapakalat ng Media ng impormasyon hinggil sa paggamit ng mga electronics gadget katulad ng cellphone at two way radio habang nagmamaneho sa lansangan.
Paliwanag ni Galvante napakahalaga ang dissimination information ng Media para ipaalam sa publiko ang mga bawal at hindi bawal habang nagmamaneho.
Giit ni Galvante masunurin naman umano ang mga motorista basta ipakita lamang sa kanila na seryoso ang LTO na ipatupad ang batas trapiko sa lahat ng mga lumalabag dito.