Media Organization na Vera Files, pumalag sa pagsasangkot sa kanila sa umanoy ouster plot laban kay Pangulong Duterte batikang journalist na si Ellen Tordesillas, hindi haharap sakaling ipatawag ng pangulo

Hinding-hindi umano haharap kay Pangulong Rodrigo Duterte si Vera Files President Ellen Tordesillas.

Ito ay makaraang mapabilang ang journalist sa matrix ng umano’y oust Duterte plot na inilabas kahapon ng Malacañang.

Sa interview ng RMN Manila nanindigan si Tordesillas na wala siyang kinalaman sa planong pagpapatalsik sa pangulo.


Kung mayroon man aniyang dapat magpaliwanag tungkol sa matrix, ito si Pangulong Duterte.

Samantala, ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, naghihintay pa rin sila ng magiging sunod na hakbang ng malacañang matapos ang pagsisiwalat sa matrix.

Kahapon, matatandaang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang balak ang Malacañang na kasuhan ang mga personalidad na kasama sa matrix dahil wala pa namang actual execution ng oust Duterte plot.

Facebook Comments