DPWH, nag-inspeksyon din sa gusali ng Sendo

Nag-inspeksyon dito sa gusali ng Senado sa Pasay City ang isang team mula sa Department of Public Works and Highways o DPWH.

Kakatapos lang ng ginawang inspeksyon at sa ngayon ay nagbibigay sila ng briefing sa mga tauhan ng Office of the Senate Sergeat at Arms o OSAA na pinamumunuan ni retired General Jose Balajadia.

Ang gusali ng Senado ay nananatiling sarado makaraang makatanggap ng report si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may mga bahagi nito ang nagkaroon ng crack dahil sa paglindol kahapon.


Ayon kay Recto ang pagbalik sa pasok ng mga empleyado na ngayon ay suspendedido ay nakadepende sa magiging resulta ng pag-inspeksyon sa gusali.

Facebook Comments