MEDICAL AT DENTAL MISSION, ISASAGAWA SA BAYAN NG CABAGAN

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng Medical at Dental Mission ang University of Sto. Tomas Nurses Association sa Milagros District Hospital sa bayan ng Cabagan, Isabela.

Ito ay sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at Pamahalaang Lokal ng Cabagan kung saan gaganapin ito sa ika-2 hanggang ika-6 ng Pebrero.

Kabilang sa mga serbisyong iaalok ay ang pagtanggal ng almoranas, luslos, bosyo, simpleng bukol, pagbunot ng ngipin, t konsultasyon.


Hinihikayat naman ang mga nais makakuha ng libreng serbisyo ay makipag-ugnayan sa kanilang Rural Health Units at Barangay Health Workers at mag-rehistro ng maaga dahil first come, first served ito.

Facebook Comments