Pormal nang pinasinayaan ngayong araw ang Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine (OFSAM) medical building ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ang pagpapasinaya ay ginawa sa pamamagitan ng virtual ceremony.
Ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco, partikular na mabebenipisyuhan ng kanilang medical building ang kanilang mga empleyado at stakeholders.
Kabilang sa medical services na available sa kanilang medical office ay neuro-psychiatric evaluation, ECG, X-ray, refraction, blood chemistry, at dental services sa lahat ng airmen na nangangailangan ng medical evaluation sa pagkuha ng lisensya.
Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit 23-million pesos.
Facebook Comments