Pagbibigay Umano Ng Special Treatment Kay Eastern Visayas Drug Lord Kerwin Espinosa, Mariing Itinanggi Ng Pnp

7

MANILA – Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y pagbibigay ng special treatment kay Eastern Visayas drug lord Kerwin Espinosa.Kasunod ito ng sinabi ni dating Albuera City Police Chief Insp. Jovie Espinido na nakakagamit pa rin ng cellphone si Espinosa kahit pa nasa kustodiya na ito ng pambansang pulisya.Paliwanag ni PNP Spokesman Sr/ Supt. Dionardo Carlos – permiso lang mula sa PNP-AIDG ang kailangan ni Espinosa para makagamit ng cellphone.Sa kabila nito, tiniyak ni Carlos na kukumpirmahin nila mula sa AIDG kung totoo gumagamit nga ng cellphone si Espinosa.Samantala, ngayong araw nakatakdang ilipat sa kustodiya ng National Bureau of Investigation si Kerwin.

Facebook Comments