MEDICAL CARAVAN PARA SA MGA PANGASINENSE, IPINAMAHAGI

Nagpaabot ng tulong ang Office of Senator Alan Peter Cayetano sa mahigit 400 indigent patients sa Pangasinan para sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot kung saan ginanap ang isang medical caravan sa Region 1 Medical Center (R1MC) sa lungsod ng Dagupan nito at Pangasinan Provincial Hospital (PPH) sa San Carlos City nitong unang linggo ng Mayo.
Nakikipagtulungan ang opisina ng Senador sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para maabot ang iba’t ibang sektor na nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang flagship project na “Bayanihan Caravan” na kinabibilangan ng naturang caravan.
Ang unang araw ng medical help desk ay ginanap sa R1MC upang tulungan ang mga pasyente sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot tulad ng mga bayarin sa ospital, gamot, mga pagsusuri sa laboratoryo, dialysis, at iba pang mga medikal na pamamaraan.

Marami sa mga benepisyaryo ay tumanggap ng pampagamot para sa kanser, mga sakit sa paghinga, mga sakit sa orthopedic, at mga congenital disorders.
Nakipagtulungan din ang tanggapan ni Cayetano sa pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan para ma-accommodate ang mga pasyente sa PPH.
Ang mga benepisyaryo na mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan kabilang ang San Carlos City, Calasiao, Urbiztondo, at Sta. Barbara, ay binigyan ng tulong upang maipagamot nila ang kanilang mga sa sarili sa pamamagitan pagpapababakuna at medikal na interbensyon para sa kagat ng hayop, mga alalahanin sa panganganak, mga sakit sa orthopedic, mga problema sa ngipin, at talamak na sakit sa bato.
Inorganisa ng Tulong-Medikal Team ang caravan sa San Carlos City sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH)-Ilocos Center for Health Development.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na nagdala ang tanggapan ni Cayetano ng medical assistance desk sa lalawigan.
Nauna rito, tinulungan ng grupo nito ang mahigit 60 pasyenteng na-admit sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos City sa kanilang mga bayarin sa ospital.
Ang Tulong-Medikal program ng senador ay patuloy na magtatayo ng mga medical desk sa iba’t ibang ospital sa buong bansa para matulungan ang mas maraming Pilipinong nangangailangan ng tulong medikal. |ifmnews
Facebook Comments