Ang mga stranded individual na gustong umuwi sa kanilang bayan o siyudad ay kailangang magpakita ng medical certificate at travel authority.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, kailangan nilang ihanda ang dalawang dokumento para sila ay makauwi.
Ang medical certificate ay nire-request mula sa health office ng mga lokal na pamahalaan kung saan kasalukuyang stranded ang mga ito, bago sila mag-apply para sa travel authority sa himpilan ng pulisya.
Paglilinaw ni Malaya, ang medical certificate ay hindi nire-require ang applicant na kumuha ng rapid test o PCR test para sa COVID-19.
Ang mga locally stranded individual na may medical certificates mula Local Government Units (LGUs) ay maaaring mag-apply ng travel authority sa Philippine National Police (PNP) help desks.
Ang mga stranded individual na nais umuwi sa ibang barangay pero nasa loob ng bayan o siyudad ay kailangang kumuha ng travel authority mula sa municipal o city police chief.
Kung ang place of residence naman ay nasa ibang bayan o siyudad ay kailangang kunin ang travel authority mula sa Police Provincial Director’s Office.
Ang mga kailangang bumiyahe sa ibang probinsya at rehiyon ay kailangang mag-secure ng travel authorities sa Police Regional Director.