Medical certificates, hindi na kailangang ipakita ng mga magpapabakunang edad 12 hanggang 17 na walang comorbidities

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi na kailangang magpakita ng medical certificates ang general population ng mga batang edad 12 hanggang 17 o yung mga walang comorbidities bago mabakunahan.

Ayon sa DOH, kailangan lamang magpresenta ang mga magpapabakuna ng mga dokumento na magpapatunay ng relasyon sa pagitan ng bata at ng kasama nitong matanda.

Pero ang mga menor de edad na may comorbidities ay kailangan pa ring magpakita ng medical certification mula sa kanilang doktor para mabakunahan.


Sa kabuuan, nasa 40,419 kabataan na may comorbidities ang nababakunahan na laban sa COVID-19 simula Oktubre 15.

Facebook Comments