Medical Chief ng CVMC, Pinarangalan

Cauayan City, Isabela- Ginawaran ng Department of Health (DOH) bilang Most Outstanding Medical Center Chief award si Dr. Glenn Mathew Baggao ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Sa panayam ng 98.5 i-FM Cauayan kay Dr. Glenn Baggao, pinuno ng CVMC, sinabi nito na ang kanyang natanggap na parangal ay dahil sa tulong at suporta ng kanyang mga kasamahan sa ospital at alay na rin para sa buong CVMC.

Bago aniya nito nakuha ang parangal ay dumaan muna sa masusing pagsusuri at balidasyon ng DOH batay sa mga nagawa at accomplishments nito kasabay ng nararanasang COVID-19 pandemic.


Ibinahagi rin ng medical chief na bahagi ng kanyang nakuhang parangal ay dahil sa malaking improvement ng ospital kung saan nakapagpatayo na ng Lung Center para sa buong Lambak ng Cagayan maging sa karatig na rehiyon at dahil na rin sa mga karagdagang beds para sa mga pasyente.

Bilang pagtugon din sa COVID-19 pandemic, ginawa nang isolation room para sa mga COVID-19 patients ang tinatayang nasa 105 na private rooms ng ospital.

Ibinahagi nito na nasa 105 na private rooms ng ospital ang ginawang isolation room sa mga COVID-19 patients.

Sa kasalukuyang buwan naman ng Enero ngayong taon bilang bahagi pa rin sa pagtugon sa COVID-19 pandemic ay nakapagpatayo na rin ang ospital ng limang palapag na gusali para naman sa mga may infectious diseases.

Ayon pa kay Dr. Baggao, maraming proyekto pa ang nahanda na isasagawa ng ospital ngayong taon.

Samantala, ibinahagi ni Dr. Baggao na walang naitalang firecracker-related injuries sa CVMC dahil na rin sa maagang pag-alerto sa mga kasamahan na paghandaan ang mga posibleng mangyari habang ipinagdiriwang ng maraming Pilipino ang Pasko at bagong taon.

Facebook Comments