Patuloy na sumasailalim sa pananaliksik ng mga health experts ang characteristics ng P.3 variant na unang nadikubre sa Pilipinas.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang P.3 variant ay hindi pa ikinokonsiderang “variant of concern.”
Sa isang artikulo mula sa Forbes noong March 18, ang P.3 variant ay may kahalintulad sa nadiskubreng Japanese variant (B.1.1.248) at ang Brazilian variant (P.1) na mas mabagsik na variant.
Ang Japanese variant (B.1.1.248) at ang Philippine variant (P.3) ay second at third generation descendants ng P.1 variant.
Sa statement ng DOH, batid nila ang potensyal ng naturang mutant at iba pang variants na patuloy na pinag-aaralan at iniimbestigahan ng mga eksperto.
Bago ito, sinabi na ni World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na aabutin ng ilang buwan para makalikom ng impormasyon hinggil sa bagong variant.