Medical frontliners ng PGH, nagprotesta sa labas ng pagamutan sa harap ng naiipit na mga benepisyo ng health workers

Lumabas kaninang tanghali ang ilan sa mga kawani ng Philippine General Hospital (PGH) para magprotesta sa harap ng patuloy na kabiguan ng Department of Health (DOH) na maibigay ang benepisyo ng health workers.

Ilan sa frontliners ng PGH ay humiga pa sa bangketa para ipahayag ang saloobin.

Bukod kasi sa SRA o Special Risk Allowance, kulang pa rin ang bayad na mga allowance para sa MAT o Meals, Accommodation and Transportation gayundin ang AHDP o Active Hazard Duty Pay.


Ayon sa All UP-PGH Workers Union, umaabot sa 291.6 million pesos ang utang na benepisyo sa health workers.

Nasa 86.4 million naman anila ang utang sa hazard pay sa health workers habang 115.2 milyong piso naman para sa MAT allowances ng mga taga-National Capital Region (NCR).

Inirereklamo rin ng frontliners ng PGH ang kakulangan sa mga tauhan sa mga ospital sa gitna ng pagdagsa ng maraming pasyente.

Facebook Comments