Nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19, umabot na sa 102

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat ng PNP Health Service, 102 na ang nasawi na mga tauhan ng PNP dahil sa COVID-19.

Ito’y matapos silang madagdagan ng 1 bagong kaso ng nasawi.


Ito ay isang 34-anyos na police staff sergeant na naka-assign sa National Support Unit.

136 naman ang mga bago nilang kaso habang 172 ang mga bagong gumaling.

Sa kabuuan, 33,826 na ang mga nagka-COVID-19 sa PNP. Sa naturang bilang na iyan, 1, 750 ang aktibong kaso.

Kaugnay nito, as of August 26, 2021, 93,725 o 42.19% na ang mga fully vaccinated na tauhan ng PNP.

Habang 104,562 o 47.07% ang naman nakatanggap ng first dose.

Facebook Comments