MEDICAL GO KITS, IPINAMAHAGI SA MGA RESIDENTENG BINAHA SA MAYOMBO, DAGUPAN CITY; R1MC NAGPAALALA SA MGA RESIDENTE HINGGIL SA TAMANG PAG-INOM NG DOXYCYCLINE

Nagbigay ng doxycycline ang Region 1 Medical Center (R1MC) sa mga residenteng naapektuhan ng baha sa Barangay Mayombo, Dagupan City.

Kasabay rin nito ang pagpapaalala ng mga awtoridad sa tamang pag-inom ng doxycycline, na hindi dapat basta-basta ginagamit nang walang wastong gabay.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang naturang gamot ay maaaring gamitin bilang proteksyon para sa mga maaaring na-expose sa bacteria na nagdudulot ng leptospirosis, partikular ang mga lumusong o nababad sa baha.

Binigyang-diin ni Mayor Belen T. Fernandez na para sa mga nabigyan ng gamot, mahalagang sundin ang itinakdang prescription at tamang paraan ng pag-inom.

Kaugnay nito, isinagawa ng R1MC ang pamamahagi ng Medical Go Kits sa Barangay Mayombo nitong Agosto 26.

Bukod sa doxycycline, naglalaman ang mga kit ng mga kagamitang pangunang lunas, emergency gadgets at banig.

Katuwang ng R1MC sa programa ang LGU Dagupan at Mayombo Barangay Council, kabilang ang mga barangay tanod at barangay health workers. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments