Manila, Philippines – Tinalakay na ngayong 17th Congress ang panukalang batas na magsasaligal sa paggamit ng medical marijuana.
Ang House Bill 180 o Medical Cannabis Bill na iniakda ni Isabela Cong. Rodito Albano ay dininig ngayon ng house committee on health.
Layon nito na bigyan ng pagkakataon ang mga pasyente na may malalang karamdaman na makagamit ng medical cannabis o marijuana para maibsan ang matinding sakit at hirap na nararanasan ng mga ito araw araw.
Sa ilalim ng panukala, may mga panuntunan para hindi maabuso ang sistema ng paggamit ng marijuana tulad ng registration sa mga pasyente na mapapayagang resetahan ng medical marijuana na may limitadong dosage.
Unang inihain ito ni Albano noong nakaraang kongreso pero hindi nakalusot sa Kamara.
Lubos ang suporta ng Philippine Cannabis Compassion Society kung saan nanawagan sila sa Mababang Kapulungan na isama ito sa prayoridad dahil lumabas naman sa pag-aaral na totoong nakakatulong ang marijuana sa pain management at kontra sa paglago ng cancer cells.
Facebook Comments