Medical Reserve Corps, lusot na sa Committee level

Pasado na sa House Committee on Health ang substitute bill para sa paglikha ng Medical Reserve Corps (MRC).

Layunin ng inaprubahang panukala na tugunan ang problema sa kakulangan ng medical workforce tuwing may national emergency.

Sa ilalim ng unnumbered substitute bill ay maaaring gamitin ng pamahalaan tuwing national emergency ang mga indibidwal na nagtapos ng medisina, nursing, medical technology at iba pang health-related fields.


Sa ganitong paraan ay nakahanda agad ang emergency manpower para sa mabilis at epektibong paghahatid ng serbisyo sa mga biktima o pasyente.

Ang mga medical volunteer sa ilalim ng MRC ay makakatanggap ng allowance, medical care, hospitalization at iba pang privileges at benefits.

Isa naman sa ipinarerekonsidera at pinapaamyendahan nila Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa panukala ay ang pag-alis ng probisyon sa criminal liability at parusang imprisonment sa mga myembrong volunteers na tatanggi o hindi makakapunta sa oras na ipatawag para tumugon sa national emergency.

Facebook Comments