*Cauayan City, Isabela*- Ipinagkaloob na sa mga frontliners gaya ng kapulisan ang mga medical supplies na kanilang gagamitin sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Ito ay matapos makatanggap ang pamunuan ng Police Regional Office No.2 (PRO2) ng mga kagamitan mula sa isang negosyante.
Pormal namang tinanggap ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ang ilang sa mga medical supplies gaya ng 75 test kits, 10,000 face masks, 5,000 gloves at 50 thermal scanners.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si PBGen. Casimiro sa nagbigay ng donasyon at kanya rin hinihimok ang mga iba pang indibidwal na nais tumulong sa mga nagsisilbing frontliners sa kabila ng banta ng COVID-19.
Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na iwasan ang pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa covid-19.
*TAGS: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, *Police Regional Office No.2 (PRO2),COVID-19,Cauayan City, luzon