Naka-antabay na ang mga Opisyal at tauhan ng Pamahalaan para salubungin ang mga Pilipinong inirepatriate mula Hubei, China.
Ito ay matapos maipit ng lockdown sa nasabing lugar sa gitna ng panganib na dulot ng 2019 novel Coronavirus (2019 nCoV)
Kanina, dumating na sa Clark International Airport ang medical team ng Department of Health (DOH) na susundo sa unang batch ng mga Pinoy Repatriates.
Pagdating sa bansa ng mga nirepatriate mula sa China, dadalhin ang mga ito sa New Clark City sa Capas, Tarlac na siyang ginawang Quarantine Zone.
Una rito, umaalma ang mga residente ng Capas dahil sa hindi sila nakonsulta na gagawin nang Quarantine Zone ang New Clark City kaya naman nangangamba naman sila ngayon sa kanilang kalusugan
Facebook Comments