Maari ng gamitin ang ipinatayong medical tent sa Region 1 Medical Center sa lungsod ng Dagupan na magsisilbing karagdagang isolation facility bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang dalawang medical tent ay mula sa isang non-government agency na hiniling ng pamunuan ng hospital.
Inilatag ito sa R1MC Annex sa barangay bonuan Binloc na mayroong 12 kama na magsisilbing isolation at treatment units.
Ito na ang ika apat na medical tent na itinayo sa Pangasinan bilang tugon sa COVId-19 response ng lalawigan.
Facebook Comments