Mee Goreng, pagkaing swak sa budget

186

Bestfriend, kung magagawi ka sa lungsod ng Zamboanga, hindi lang mata ang mabubusog sa mga magagandang tanawin na makikita mo, aba dapat rin busog na busog ang tiyan mo. Isa sa mga pagkain na pwede mong subukan, ay yung tinatawag nilang mee goreng, o fried noodles. Ang nasabing pagkain ay galing sa Indonesia na karaniwang maanghang (depende sa tapang mo), at kadalasan may kasama pang pritong itlog. Kung dati ay pang street food lang ang mee goreng, ngayon ay makikita rin ito sa mga tanyag na restaurant sa syudad. Ang nasabing pagkain ay mabibili sa halagang sampung piso ang pinaka mura, at 50 pesos ang pinakamahal. Busog ka na, swak pa sa budget.

Facebook Comments