Mega job fair ng DOLE, sinimulan na ngayong araw kaugnay ng 121st Labor Day celebration sa Pasay City

Sinimulan na ang mega job fair ng DOLE ngayong araw kaugnay sa pagdiriwang ng 121st Labor Day celebration sa SMX Convention Pasay City.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang selebrasyon upang bigyang pugay ang mga manggagawa sa bansa.

Inaasahan ngayon na libo-libo ang magpupuntang aplikante para sa papasukang trabaho sa iba’t ibang kompanya at agencies na nag-aalok ng job vacancies.


Samantala, sa mga hindi pa nagpupunta ngayong araw, bukas ang mega job fair hanggang alas-5:00 ng hapon para sa mga aplikante.

Facebook Comments