Mega Job Fair ng PESO Pasig LGU, dinagsa ng mga aplikante na naghahanap ng trabaho sa Pasig City

Patuloy ang pagdagsa ng mga Aplikante na naghahanap ng trabaho sa Pasig City kung saan ang Public Employment Service Office o PESO katuwang ang DZXL Radyo Trabaho na isinagawa sa Pasig City Sports Complex sa Caruncho Avenue Pasig City.

Ayon kay PESO Pasig City Manager Jelen Sison-Lopez, aabot sa 60 na mga kumpanya ang nag-aalok na trabaho kung saan aabot naman sa 4,592 na mga bakanteng trabahong ang naghihintay para sa mga aplikanteng nais na makakuha at maghanap ng trabaho.

Paliwanag pa ni Lopez na hindi lamang ang mga taga-Pasig City kun’di bukas din ito para sa mga karatig na lungsod na nagnanais magpunta at makiisa sa isinagawang Mega Job Fair.


Para naman sa mga first time job seeker ay mayroong One- Stop Shop na libreng makakuha ng SSS, PhilHealth, Pag-ibig, at maging Police Clearance.

Kabilang sa mga trabaho na iniaalok sa Mega Job Fair ang Food and Restaurant Industry, Accounting Manager, Accounting Supervisor, IT Associate, Restaurant Cashier, House Keeping, Maintenance Personnel, Company Nurse at marami pang ibang trabaho ang iniaalok ng 60 mga kumpanya na mayroon mahigit 4,000 trabaho ang kakailanganin.

Facebook Comments